" Mapapalad ang mga teachers, kasi ang room nila ay class"
Mistulang 'sang tanglaw, bituin sa langit
Sinundan ng mago, no'ng gabing tahimik
Bundok ng tagumpay, mahirap, matarik
Sa wasto kong gabay, ito'y napapanhik
Mga bobo't mangmang, ginawa kong pantas
Hiwaga ng agham ay aking tinuklas
Aking sinaliksik ang aral ng lumipas
At karununga'y aking pinalaganap
Butil ng aking pawis ang kaunlaran
Lasangan at tulay na yai sa bakal
Pagsisid sa dagat, pagpanhik sa buwan
Pagnaog sa lupa... gintong natuklasan!
Pinagyaman ko ang gintong pamana
Ng kasaysayan sa bawat pahina
Ang mayamang nating tradisyo't kultura
Sandaigdiga'y aking pinakilala
At aking hinubog ang talinong-angkin
Sa larangan ng pag-awit at likhang-sining
Pinaghusay ko ang mga tinig-anghel
Paglilok ng marmol, paghawak ng pinsel
Ako'y guro-alagad ng edukasyon
Katabi'y pisara sa buong maghapon
Tinuring na bayani ng lantang dahon
Ngunit sa puso'y inukit ng panahon.
dedicated to Ms. Fe F. Galpo
(Aug. 1, 1930- Jan. 21, 2010)
-my Grade 2 teacher, Kab Scout Master and Mother
No comments:
Post a Comment