Monday, January 25, 2010

BAYANI

Pinapawi ng pawis
Ang dantay ng nagbabagang silahis

Buntong-hininga ang tanging tugon
Ng bawat hiyaw ng deskriminasyon




















Inaaliw ng malayong tanaw
Ang pangungulila ng lungkot at lumbay

Sa dingding, tanging larawan
Ang bantayog ng tahanan

Ang papuri ng politikong gurang
Dolyares ka ng Silangan!


                       ikstot
                           03 jan 2007

Sunday, January 24, 2010

WAITING SHED


Yari sa marupok na kongkreto
Saka manipis na yero

Balot sa ganda
Ng makintab na pintura.


Pangala'y nakatiktik
Sa dingding nakaukit

Huwad na ngiti
Ang larawang bumabati


Bantayog ba sa tapat
Ng kalsadang lubak-lubak?

O gusaling itinayo
Sa paghintay ng pangako!

                 ikstot
                05 march 09

Wednesday, January 6, 2010

LIGHTS AND LANTERNS

oil lamp @ sordoc chapel

 

ibn batuta mall

Tuesday, January 5, 2010

RALLY

Sa pusod ng kalsada
Pulu-pulutong nakikibaka

Nagbabaga ang bawat titik
Sa watawat ng paghihimagsik

Nakakuyom ang mga kamay
Nangangalit na sumisigaw

Napapaluha ang iyak
Sa ngitngit ng teagas

Matatag ang kapit-bisig
Laban sa bulwak ng tubig

Nanariwa ang mga pasa't sugat
Sa banta ng hampas

Ang hinihiyaw ng megaphone
Pangalan ng may tangan noon!

                                  ikstot